NAGTAGUMPAY ang Pinoy pole vault jumper na si Ernest John Obiena ang Olympic height na malundag ang 5.82 meters at nasungkit ang silver medal sa Monaco leg ng Diamond League noong Biyernes (Sabado sa Maynila).
Hindi nagtagumpay si Obiena ang kanyang mga sumunod na pagtatangka kaya naman napunta kay Christopher Nilsen ng United States ang ginto sa taas na 5.92m.
Pumapangatlo naman Kurtis Marschall ng Australia matapos ding magposte ng pinakamahusay na pagtalon na 5.82m.
Gayunman, ang Filipino pole vault star na ngayon ay nasa No. 2 sa mundo, ay nakalamang sa countback.
Si Armand Duplantis ng Sweden, ang naghaharing Olympic at world champion, ay tila wala sa kanyang elemento matapos mapunta sa ikaapat sa 10-man field na kinabibilangan ng 2012 Olympic gold medalist na si Renaud Lavillenie ng France.
Si Duplantis, ang kasalukuyang world No. 1 at record holder na 6.22m, ay nakapagrehistro ng 5.72m at nagtapos sa podium kasama ng American Sam Kendricks, Germay;s Bo Kanda Lita Baehre at Norway;s Pal Haugen Lillefosse, na lahat ay na-clear ang parehong elevation.
Patuloy ang pagsisikap ni Obiena na muling makapag uwi ng medalya sa darating na World Athletics Championships sa Budapest, Hungary mula Agosto 19 hanggang 27, kasunod ng bronze-medal finish noong nakaraang taon sa Eugene, Oregon edition.
Ang 6-foot-2 Asian record-holder na 6 meters ay magtatapos sa kanyang season sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China mula Sept. 23 hanggang Oct. 8 bago magsimula mapa ng isang bagong programa sa pagsasanay kasama si Ukranian coach Vitaly Petrov para sa 2024 Paris Olympics.