Latest News

do-or-die game NG BGY Ginebra KONTRA TNT

MULING uulitin ng Barangay Ginebra ang kanilang pamosong “DO-OR-DIE” game matapos ang 104-92 panalo nito sa twice-to-beat na TNT noong Miyerkules ng gabi para quarterfinals of the 2021 PBA Governors’ Cup.

Nanguna ang Barangay Ginebra sa laro sa puntos na 40-21 matapos ang tiple shots mula kay Jeff Chan sa second quarter.

Subalit nakahabol ang defending champion na TNT at napaliit ang lamang ng Gin Kings sa 50-45 bago mag-halftime.


Lalong lumiit ang lamang Barangay Ginera kontra TNT sa tulong ng star Troy Rosario habang si Mikey Williams ay nag-buzzer-beater triple bago matapos ang third quarter sa puntos na 71-70.

Tatlong triple shots, dalawa galing kay Nards Pinto at isa mula kay Justin Brownlee, ang lalong nagoalamang sa Gin King sa puntos na 82-75.

Sinundan ito ng dalawa pang magkasdunod na puntos mula Brownlee at Scottie Thompson para sa 10 puntos na lamang ng Ginebra sa TNT sa score na 100-90.

Isang layup ni Christian Standhardinger at dunk mula kay Japeth Aguilar ang lalo pang nagpalayo sa score ng Gin Kings kontra TNT.


Tinapos ni Brownlee ang laro sa puntos na 38 points, 12 rebounds, at three blocks habang si Thompson ay may 23 points, 15 boards, at walong assists.

Ang TNT naman ay nakakuha ng magandang laro mula kay Aaron Fuller na may puntos na 22 points at 19 rebounds.

Muling maghaharap ang TNT at Ginebra sa “do-or-die” game sa Sabado sa alas-4 ng hapon .

ISKOR NG PLAYERS:


Ginebra: Brownlee 38, Thompson 23, Aguilar 21, Tenorio 7, Pinto 6, Standhardinger 6, Chan 3, Caperal 0, Onwubere 0, Devance 0.

TNT: Fuller 22, M. Williams 19, Rosario 20, K. Williams 12, Pogoy 12, Castro 5, Reyes 2, Montalbo 0, Erram 0, Khobuntin 0, Heruela 0, Ganuelas-Rosser 0.

ISKOR: 28-14, 50-45, 71-70, 104-92.

Tags:

You May Also Like

Most Read