INANUNSYO ng Creamline, ang volleyball team ni Alyssa Valdez, na sumailalim ito kamakailan sa isang “procedure” para tumulong sa pagbawi ng kanyang nasugatan na tuhod.
Sa isang tweet, sinabi ng Creamline na ang pamamaraan ay upang matulungan ang star player nitong makabawi nang mas mabilis matapos manakit ang kanyang tuhod noong Disyembre sa kasagsagan ng PVL Reinforced Conference.
“Alyssa underwent a procedure recently that will help her recover faster and come back stronger.
“We will ensure that she continues to receive the best possible care and treatment. We want to thank everyone for the prayers and concerns. She will be back soon enough,” ayon sa pahayag ng Creamline.
Dagdag pa nito, wala pa ring timetable para sa pagbabalik ni Alyssa Valdez sa court.
Matatandaang sumakit ang kanang tuhod ni Valdez noong nakaraang kumperensya nang humarap ang Creamline laban sa koponang Chery Tiggo.
Ang dating Ateneo player ay lumanding na nauna ang tuhod habang sa kanyang paglalaro. Gayunman, Cool Smashers ay nakapaglaro nang maayos sa kabila na absent ang kanilang star player. Ang Cool Smashers ay kasalukuyang may hawak na 3-1 record para sa four-way-tie sa top seed kasama ang Chery Tiggo, PLDT at F2 sa All-Filipino Conference.