NI GERRY OCAMPO
SA unang araw ng bilangan last May 9, kaagad nag-live si Robin sa kanyang Facebook.
Marami ang naaliw sa pagli-live ni Robin, ang daming nag-request ng “Wonderful Tonight” na mas kilala ngayon na “It`s late in the evening,” dahil nga kay Robin.
Sangkatutak nga ang nagbiro na ang pagkanta ni Robin ng “Wonderful Tonight” ang nagpanalo sa kanya.
Anyway, sa ginawang live na ni Robin ay nag-comment si Karla Estrada.
“Ikaw ang importante sa akin tol! Magkita-kita tayo soon!” say ni Karla.
Nagbigay din ng mensahe si FDCP chairperson na si Liza Dino-Esguerra kay Robin.
“I believe in you Kuya! Naniniwala ako sa`yo, Hope we can work together to continue the mission to support our industry. Congrats Sen, Robin!” say ni Liza
Sa daming beses na pagli-live ni Robin sa FB, matapos na maging number one senatorial candidate, ang pinakamaraming comment ay umabot sa 165,000.
Dati kasi hanggang 100 to 5,000 lang inaabot ang view sa kanyang pagli-live.
Marami rin ang nagulat sa bigla-biglang pagbebenta ng ginamit na T-shirt ni Robin sa kampanya na ang presyo ay P500.
Bukod pa sa binebenta rin mga T-shirt ni Robin na hango sa pelikulang niyang Bad Boy sa halagang P850.
For sure walang alam si Robin sa mga nangyayaring bentahan at wala rin naman siyang magagawa dahil uso naman yun na mukha ng mga sikat na personalidad ang nilalagay sa T=shirt para maging mabenta.
Lalo na ngayon na number one ang aktor sa senatorial race
Samantala, inaabangan na ng avid viewers ng “Bubble Gang,” na napapanood every Friday sa GMA 7, ang gagawing pag-i-spoof ng BG barkada sa pagkapanalo ni Robin Padilla, lalo nang magtiktok ito sa Facebook.
Knowing Michael V pagdating sa paggawa ng mga nakakatawang spoof ng mga kandidato, tiyak na kwelang-kwelang ito.
Makakasama pa ni Michael V ang BG barkada s na sina Antonio Aquitania, Boy 2 Quizon, Sef Cadayona, sexy actresses Kim Domingo. Valeen Montenegro at maraming iba, kaya mas lalong bonggang katatawanan ang mapapanood sa longest running gag show sa telebisyon.