Latest News

Baskeball legends Jaworski, Fernandez PSA’s Lifetime Achievement awardees

DALAWA sa basketball legend sa bansa ang nakatakdang tumanggap ng Lifetime Achievement Award mula sa oldest sports media organization na Philippine Sportswriters Association o PSA.

Tatanggapin ng dating magkaribal sa basketball na sina Robert “Sonny” Jaworski Sr. at Ramon Fernandez ang awards night na idaraos sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association Annual Awards Night sa Marso 14 sa Diamond Hotel.

Nagsimula sa pagiging magkakampi sina Jaworski at Fernandez sa Toyota team na nag-debut na noon ay Manila Industrial and Commercial Athletic Association bago lumipat sa Philippine Basketball Association, na isa founding members nito.


Ang Jaworski-Fernandez tandem ang isa sa mga dahilan para makamit ng Toyota ang siyam na PBA championships, bago na-disband ang Tamaraws noong 1984.

Dahil sa Toyota disbandment, nagkanya-kanya ng landas sina Jaworski ay Fernandez kaya naman namuo ang Philippine basketball’s “most celebrated rivalry.”


Pinangunahan ni Jaworski ang team ng Gilbey’s Gin, na ngayon ay mas kilala sa tawag na “Barangay Ginebra San Miguel.”

Dinala ni Jaworski ang kanyang charisma “on and off” ng basketball court bilang player at playing coach mula 1984 hanggang 1998 kaya naman nakatanim na ang pamosong “Never Say Die” spirit sa koponan ng Ginebra, kaya naman maituturing itong isa sa “most recognizable professional basketball teams” ng bansa.


Si Fernandez naman ay nagkamit ng tatlong PBA Most Valuable Player awards noong nasa Toyota pa siya at nanalo ng 11 titles sa Tanduay at San Miguel, kasama na ang Grand Slam noong 1989.

Nagretiro si Fernandez na hawak ang titulo ng liga na all-time leader sa “scoring, rebounding, blocked shots, free throws made, and career minutes played.”

Nagtapos ang rivalry ng dalawang pamosong basketball legends noong 1989 PBA All-Star Game kung saan si Jaworski ang nag-assist kay Fernandez para sa game-winning basket bago ang buzzer.

Sina Jaworski at Fernandez ay nagtulong din para manalo ang Pilipinas ng silver medal sa 1990 Beijing Asian Games, ang kauna-unahan ding pagkakataon na nagpadala ang bansa ng all-professional national team sa international competition.

Matapos ang maningning na baskebalball career, parehong sumabak ang dalawa sa serbisyo-publiko.

Naging senador si Jaworski mula 1998 hanggang 2004 habang si Fernandez ay commissioner ng Philippine Sports Commission.

Makakasama nina Jaworski at Fernandez sina coach Baby Dalupan, ang dating ambassador at basketball project director na si Danding Cojuangco at ang billiard great na si Efren “Bata” Reyes sa listahan ng Philippine sports icons, na nagkamit ng PSA Lifetime Achievement Award.

Napili naman ng PSA si weightlifter Hidilyn Diaz bilang 2021 Athlete of the Year dahil sa pag-uwi nito ng kauna-unahang Olympic gold para sa Pilipina sa Tokyo Olympics.

Major partner ng SMC-PSA Awards Night ang PSC, Philippine Olympic Committee, and Cignal TV, na suportado rin ng MILO Philippines, 1PACMAN, PBA, Rain or Shine, ICTSI, Chooks-to-Go, SMART Sports, Philippine Racing Commission at ng MVP Sports Foundation.

Tags: Robert “Sonny” Jaworski Sr. at Ramon Fernandez

You May Also Like

Most Read