NI BETH GELENA
AMONG the JAMSAP talent, si Ysabelle Palabrica ang unti-unting umaaeangkada ang career.
Hindi naka-attend ang 14-year-old na anak ni Mayor Mark Palabrica ng Bingawan, Iloilo at ang mom niyang si JeAn Magno Palabrica, ang owner ng CenterPhil Montessori, na matatagpuan sa Iloilo at Bacolod.
Nagkataon daw kasing may high fever ang bagets kaya hindi na nakaluwas ng Manila.
Ang JAMSAP talents kasi ang sumalang para sa production numbers sa bawat gap ng pagbibigay ng 35th PMPC Star Awards for TV last January 28.
Ang JAMSAP Entertainment Corporation nina Jojo Flores at Maricar Moina ang nag-produce ng 35th PMPC Star Awards for TV.
Pero kahit pa hindi naka-attend si Ysabelle, masaya namang ibinalita ng kanyang mom na may.isu-shoot na docu film si Ysabelle entitled “Pinas Yaman” na project ng Department of Tourism.
Mag-uumpisang mag-shoot ang grupo sa February 11.
Pagbabalita ni Madam JeAn: “They started the hosting with Mark Neumann then movie shoot sa Feb 11.”
“Since wala pa naman project ang Jams, docu2x muna kami,” say pa ng mom ni Ysa.
Nga pala, mag-addendum na rin ako regarding sa one full page ad ni Ysabelle para sa souvenir program ng 35th Star Awards for TV.
Ysabelle Pabrica kasi ang nakalagay sa ad instead Ysabelle Palabrica.
Sorry po sa typo error…