Latest News

YOUTUBE BULILIT KAPALIT NG GOIN’ BULILIT

NI BETH GELENA

NAIMBITAHAN kami sa launching ng online show for the kids, ang YouTube Bulilit.

Ayon sa young direktor na si Julius Bergado, kaya raw siya nagtayo ng kids show ay para matulungan ang mga batang gustong pumasok sa pag-aartista.


“Wala na ang Goin’ Bulilit na nagbibigay ng pag-asa sa mga bata para matupad ang kanilang pangarap and nagsara na rin ang ABS-CBN kaya naisip kong itayo ang YouTube Bulilit,” say ni JB.

Naging artista rin si JB nung bagets days niya.

Pero hindi na niya natuloy dahil naging staff na raw siya ng isang network.

Napanood namin ang mga batang nasa edad 4 hanggang 12 years old. May mga potential ang bagets, huh.


Ang iba na nag-outstanding ay may career na.

Isa sa mga ito ay kasama na sa programa ng GMA7.

Ang iba naman ay nag-endorser na rin ng Isang family commercial.


Tags: ,

You May Also Like

Most Read