Latest News

YLONA, WALANG TAKOT ININTERVIEW DALAWANG NBA SUPERSTARS

NI BETH GELENA

VIRAL ang former housemate ni Pinoy Big Brother sa Teen Edition na si Ylona Garcia.

Trending ang pag-interview sa NBA player icons na sina James Worthy at Dirk Nowitzki nang manood siya ng NBA All-Star Weekend.


Nasa audience ang dalawang NBA players at kinuha niya ang paglakataon para ma-interview ang mga ito.

Hindi nahiyang i-approach ni Ylona ang dalawang sikat na NBA players, kesehodang matatangkad ang mgà ito at siya ay small lang.

Nagpaunlak naman ang NBA stars at sa picture ay makikitang katiting lang ang dating PBB housemate.

Sa instagram account ni Ylona mapapanood ang kabuuan ng interbyu niya sa dalawang NBA stars.


Si Worthy ay retired player na habang si Nowitzki.ay kasabayang naglalaro noon ng number one NBA cager na si Michael Jordan.

Komento ng netizens:

“Vonggacious ka, gurl! Next nyan, LBJ at Steph Curry na”

“It’s interesting how she switched back to her Aussie accent! Hope to see greater things from her”


“She looks like Kelsey Merritt in the first photo.”

“Hahhahaha ang cute lng ng last pics nya. Nakakapangliit kasi tlga kapag kasama/nakatabi mo ang NBA players”

“So proud of this girl!”

“Why would you make Dirk do that gurl he’s in pain. Huhu one of the nicest guys in the nba”

“Isang hall of famer at isang future hall of famer ang mga na interview niya.”

Tags:

You May Also Like

Most Read