NI GERRY OCAMPO
IBINULGAR ni KIm Chiu na seloso ang boyfriend na si Xian Lim, na agad pinasinungalingan ng boyfriend.
Ipinasilip ni Kim sa kanyang latest vlog ang Valentine get away nila ni Xian at sinagot ang mga tanong ng kanilang kaibigan na si Mama Cheena.
Isa sa tanong ay kung sino sa kanila ang mas seloso. Kaagad naman silang nagturuan at pareho rin nilang itinanggi na selosa sila.
Pero pinagdiinan ni Kim na talaga raw seloso si Xian.
Giit naman ni Xian hindi siya seloso kundi chill lang.
Si Kim daw ang parating nagtatanong kung ano ang ginagawa at kung sino ang kasama niya.
Depensa ni Kim, matanong lang daw siya at saka ikinuwento na ang ginawa ni Xian nung magselos.ang actor.
“Sino yung inuumpog sa manibela ang ulo saka natanggal ang ipin. Natanggal ang ipin niya sa sobrang selos niya,” pambubuko ni Kim
Super-deny naman si Xian: “Hindi selos yun. Nag-away lang tayo nu`n. HIndi yun dahil sa pagseselos, Wala akong pinagseselosan.”
Hindi napigilan ni Kim ang tumawa dahil sa pagde-deny ng boyfriend.
Samantala, ipinakita ni Kim ang bouquet of red roses na binigay ni Xian sa kanya at saka sinabi na lahat daw flowers na ibinigay ng boyfriend through the years ay sinisiguro niyang may itatabi siya kahit isa or tatlong petals sa kanyang closet bilang souvenir.
Naikwento rin ni Kim sa Valentine date nila ni Xian ay nagpunta sila sa bird sanctuary.
Speaking of Xian, muli na namang naurong ang mini-series nila ni Glaiza de Castro sa GMA 7 na “False Positive.”
Kung wala nang magiging aberya ay baka raw sa June na ito mapapanood sa TV.