Latest News

XIAN MAY EARLY VALENTINE CELEBRATION WITH KIM

NI WALLY PERALTA

DAHIL malapit na ang Valentines Day, saan kaya balak ni Xian Lim dalhin ang girlfriend na si Kris Chiu?

Super busy kasi si Xian sa may ginagawa siyang teleserye sa GMA7 na “False Positive” at movie na “Bahay na Pula” kasama si Julia Barretto at Marco Gumabao sa direksyon ng international award-winning director na si Direk Brillante Mendoza.


Magsisimula na ring mag=streaming sa Feb.25 ang pelikula.

“I don’t really like planning for Valentine. I think mas gusto ko siya i-celebrate the day before. Or even two days before para mas matagal ang time to spend with the people closest to me, my mom and my grandmother.

“I’m at this point na gusto ko silang ipasyal, iikot, specially because of the pandemic na hindi sila lumalabas. Life is really short so I just wanna give them all the love and attention that they deserve from me.

“And or course, with my special someone, alam nyo na kung sino yon, para sama-sama kaming lahat,” sabi ni Xian.


Speaking of “Bahay na Pula,” may kakaibang karanasan si Xian na ikinakaba niya nang husto.

Dahil feel ng aktor na i-video ang venue ng kanilang shooting at mai-vlog, laking gulat ni Xian na blangko ang kinalabasan ng kanyang kuhang footages.

“When we first got there, nag-video ako. Dala ko yung camera ko, kasi I take footage for my vlog. Tapos, nang bumalik na kami sa hotel, I checked yung video, wala, nabura lahat ng files ko. Sabi ko Direk Brillante, ayaw yatang magpa-video. And he said, baka nga, kaya huwag mo nang i-push,” kuwento ng aktor.


Tags: ,

You May Also Like

Most Read