Latest News

XIAN, JULIA NAWEIRDUHAN KAY MARCO GUMABAO

NI WALLY PERALTA

NASA location shooting sina Julia Barretto, Xian Lim at Marco Gumabao sa malayong probinsiya ng Mindoro, naka-lock in shoot Sila para sa movie na “Bahay Na Pula”, a horror suspense movie from Viva Films na magsimula ma-mainstream sa Feb. 25 sa Vivamax.

No choice ang lahat ng cast and crew na magdala ng kailangan nila personally at iba pang gamit na pang-araw-araw.

Madalas na magkasalo sa hapag-kainan ang tatlong lead stars at may napuna sina Julia at Xian sa kakaibang hilig ni Marco sa catsup.

Halos lahat ng kinakain ni Marco ay may halong catsup, ulam o sandwich man ang kanyang kainin.

“We always try to eat together kasi magkakatabi lang ang rooms namin, para may kasama kaming kumain. Mahilig ako sa ketchup when I eat, kaso wala silang ketchup doon sa resort. It’s good may baon si Julia na isang bote ng ketchup at ako ang umubos noon,” say ni Marco.

To the point na tila nawewirduhan na sina Xian at Julia sa kanya.

“Pinatikim ko sa kanila ang favorite kong sinigang with ketchup. Nawiwirduhan sila but I recommend it. I-try nyo, masarap siya. All in all, it’s a fun shoot, kasi lalabas ka lang ng kuwarto mo, the beach is there na, so parang nagbababakasyon lang kayo,” kuwento pa ni Marco.

Eh, ano naman kaya ang nadiskubre ni Marco kay Xian at Julia?

“I’ve worked with both of them on TV so kilala ko na sila. But si Xian, inaasar namin ni Julia kasi it’s said na hindi marunong makipag-bonding with his co-stars. But it is not true naman pala,” dagdag ng aktor.

Sa istorya, Julia and Xian play husband and wife who returned to Mindoro to sell the ancestral home that Julia inherited from her grandmother at si Marco ay ex-boypren ni Julia sa naturang bayan.

Nang muling magkita sina Marco at Julia ay nabuhay ang dating pagmamahalan nila, kasabay na rin ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari na tatakot sa tatlo.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read