Latest News

WILLIE REVILLAME BINATI SI HIPON GIRL SA PAGPASOK SA TOP 40 NG BB PILIPINAS

NI BETH GELENA

NANG makapasok sa Top 40 si Herlene Nicole Budol aka “Hipon Girl” sa Top 40 ng Bb. Pilipinas 2022, isa sa unang tumawag sa kanya para i-congratulate siya ang TV host na si Willie Revillame.

Totoo na dahil kay Kuya Wil kaya nagkaroon ng showbiz career si Herlene.

Si Willie ang nagbigay ng break kay Herlene kaya naging co-host ng programa niya ang dating contestant ng “Wowowin.”

Tumawag si Kuya Wil kay Herlene nang malaman nitong opisyal na kandidata sa Binibining Pilipinas 2022 ang dating co-host niya.

Ñagbigay-pugay si Herlene kay Kuya Wil sa kanyang IG account.

“Hi mga KaSquammy, after ako ma- announce na official candidate ng Binibining Pilipinas 2022, tumawag sa akin si Kuya Willie Revillame para e- congratulate ako.

“Isa rin karangalan din para sa akin na Kuya Wil eto noh..hehe.

“Masaya na may halong iyak ako habang kausap ko cya sa phone dahil cya ang humulma sa akin at sobrang proud cya sa akin at natutuwa po cya sa akin kasi lagi ko daw cya ina-acknowledge! D ko raw cya nakakalimutan!

“Siempre naman alagang Wowowin si Hipon Girl. Nag-gain ako ng popularity dahil pag-join ko sa Wowowin segment ‘Willie of Fortune’ tapos cya din nakakita sa aking potential at ginawa akong regular host dahil sa kakulitan at funny jokes ko!

“Malaki ang utang na loob ko sa kanya. dahil kalahating utak ko, cya ang nag-ambag,” sabi ni Herlene sa kanyang post.

Samantala, natanggap na ni Herlene ang P100K na pinangako ni Karen Davila na ibibigay sa kanya ang kikitain ng interbyu sa kanya ng broadcaster kamakailan.

“Ibinigay po nya (Karen) sa akin ‘yung earnings sa YouTube nya nung ininterview nya sa akin nakaraan April 2 sa halagang 100,000 pesos po bago ako nag-register sa Binibining Pilipinas, na umabot ng 2.2M views.”

Nagpapasalamat si Herlene dahil malaking tulong daw ang perang ‘yun para sa kanyang pamilya.

Mensahe niya kay Karen:“Salamat ng marami dahil 3 mons ako bawal mag tanggap ng trabaho at endorsement sa policy ng Binibining Pilipinas.”

“Kaya umaasa nalang din ako ng income sa YouTube channel ko sa pag pa vlog!”

“Malaking tulong po eto para sa aking pamilya at ibibigay ko po eto kay Nanay Bireng at Tatay Oreng ko,” say ni Herlene.

Si Nanay Bireng at Tatay Oreng ay ang lola at lolo ni Herlene.

At may last hirit pa si Herlene: “Ako nga pala si Binibining Number 8 Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at mag-iiwan ng kasabihang ‘Magsipag at wag umasa sa iba. indi araw-araw ay bday natin.”

O, di ba lumalabas pa rin ang pagkakikay ni Hipon Girl.

Tags:

You May Also Like

Most Read