Latest News

WILLIE HUMINGI NG BASBAS SA KAPUSO TOP EXEC SA OFFER NI VILLAR

NI BETH GELENA

ESPLIKA ni Willie Revillame bago namaalam ang programang “Wowowin” sa GMA7, walang katotohanang nakikipag-usap na raw siya sa mga artista na isasama niya sa TV station ni former Senator Manny Villar.

Kung binisita man daw siya ng dating senador, wala raw silang napag-usapan kundi ang naging samahan nila lalo na nu’ng tumatakbong presidente ang dating senador.


Paliwanag ni Kuya Wil, paano raw siyang lilipat, eh, walang transmitter — na pinakaimportante para makapag-ere ng mga programa.

Tahasan din niyang sinabi na may kontrata siyang hawak na matagal nang naibigay sa kanya ng GMA7 dangan nga lang at Hindi pa niya ito pinipirmahan.

“Heto po ang kontrata na binigay nila sa akin. Matagal na po itong nasa akin pero di ko pa pinipirmahan kaya walang katotohanan ang mga nilalabas na balitang walang kontrata,” ayon kay Kuya Wil.

Giit pa ni Kuya Wil, walang katotohanan na nakikipag-usap na siya sa ibang mga tao.


“For delicadeza na lang po. Malaki po ang respeto ko sa GMA7 lalo na kay Sir Felipe Gozon. Sila po ang nagbukas ng pinto nu’ng time na down ako.

“Hindi ko po gagawin na umeere pa ang aking programa pero pagkatapos nun ay makikipagnegosasyon ako sa iba?

“Respeto po sa mga taong tinanggap nila ako,” paliwanag pa niya.

Dahil sa kinakaharap na malaking problema, personal na sinulatan ng TV host si Mr. Gozon.


Hindi raw kasi siya nakakatulog kaya pinaalam niya ang kanyang sitwasyon.

Lumapit daw sa kanya ang dating senador para sa itatayo nitong TV station.

Sa kanya raw lumapit si Villar dahil mas nakakaalam daw siya sa.takbo ng industriya.

At dream come true raw sa kanya ang in-ooffer ng dating senador.

Sa punto ng sulat ni Kuya Wil kay Mr. Gozon humihingi siya ng kasagutan sa kanyang magiging desisyon.

Dahil nu’ng lumapit daw sa kanya si Presidente Rodrigo Duterte at hinihikayat na tumakbo bilang senador, si Mr. Gozon daw ang nagbigay sa kanya ng advise na may tamang panahon daw para sa pulitika, na sinunod naman niya.

Sinagot ni Mr. Gozon ang letter ni Kuya Wil.

Ayon sa top executive ng Kapuso Network, hindi sila magiging sagabal sa kanyang dream.

Pero ang naging samahan nila at pagkakaibigan ay naroroon pa rin.

Nagpapasalamat si Kuya Wil sa big boss ng Kapuso Network

Marami ang humanga sa TV host sa emosyunal niyang pasasalamat sa.GMA7.

“Oo na, Willie! Mabait ka!&$@#*@!” komento sa isang netizen.

May pinariringgan naman kaya ang netizens sa komento nilang:

“Ohhhh, buti pa si willy, alam yung “delicadeza” haha!”

“Ito talaga ang Dalisay!”

“Take it from Willie, Toni Gonzaga. Ganyan dapat.”

“Yan dapat, mag resign muna. Yan ang tunay na delikadesa di yung nanggugulat na lang at proud pa sa ginawa??”

“Mas matino at ma respeto pa pala si Willie kesa kay Toni.”

“True. Shame on that bible.quoting b**ch” (Opps, mukhang malaki talagà ang galit ng isang ito kay Toni, huh!!!)

“Akala ko ba sobrang yaman na ni Willie? Bakit ayaw pang magretire ganyang sakitin na sya? Tapos inaccept pa nya ang position sa Villar channel. Lalo lang syang mai-stress.”

“Ayyy? Nangingialam ka? Di ka nakinig??? May dreams pa nga daw di ba?”

“Issue ba talaga to? Obvious naman na pinili nya yung deal ni Manny. Yun lang. End of contract din naman na sya sa GMA kaya malinis naman paglipat nya.”

Tags:

You May Also Like

Most Read