NI BETH GELENA
NAWINDANG ang netizens ng makita nila ang wedding ring ni Erich.Gonzales.
May kuhang picture ang aktres na pakiwari namin ay sa living.room nila Mrs. Erich Gonzales-Lorenzo.
Nakaupo ang aktres sa malaking sofa with matching green na mahabang skirt with two green pillows behind her.
Napaka-eleganteng tingnan ni Erich sa kanyang larawan kahit simpleng-simple lang ang suot.
Tingin nga namin ay isa siyang batang-batang donya lalo pa nangungusap ang kanyang wedding ring sa laki ng bato nito.
Wala namang nilagay na caption si Erich sa kanyang post sa Instagram account.
Àng napansin ng netizen ay ang kulay ng aktres sa kanyang post.
“Natural ba yung kaputian niya?”
“Check mo yun star circle quest days nya morena sya”
“Hindi sya ganyan kaputi dati.”
Pinansin naman ng isa ang daliri ni Erich.
“Same kami ng kuko at daliri pinagkaiba lang meron syang dyamante. LOL! Sanaol”
“Ngiting tagumpay”
“Parang Bihira sa celeb. Yung pudpud yung kuko at walang nail polish.”
“Simple Lang talaga sya nakakatuwa”
“I like her simplicity and being private. She deserve it”
“That’s a man’s liking. Nakita ko na yan c erich sa personal sa mismong bahay nila sa qc. We delivered something.. white tee and maong shorts lang xa then may kasama xa isang kasambahay. Even pawis na pawis xa hindi xa mareklamo. Normal na normal walang make up and all. We spent like 1hr na kaharap xa and me pasalubong pa kami paguwi. Like her simplicity!”
“She’s radiant”
“eto lang yata ang wala akong mababasang nega… Wala namang negative comments akong nababasa dito gurl”














