Latest News

WEDDING RING NI CARLA HINAHANAP NG NETIZENS

NI JULIE E. BONIFACIO

HINDI nakaligtas sa mata ng netizens ang mga daliri ni Carla Abellana na walang suot na singsing sa latest vlog niya sa kanyang YouTube channel.

Sinasadya man o hindi, madalas kasi mapokus sa kamera ang kamay ni Carla na walang suot na singsing.


Kaya naman dinagsa ng komento tungkol sa singsing ni Carla ang netizens.

:Hindi na nya suot Yung wedding ring nla n Tom nakakalungkot nman kung kailan cla kinasal n Tom Saka nman cla nagkahiwalay sobrang idol ko p nman clang dalawa”

“Wala syang suot na wedding ring??????? Tell me its not true.”

“Dami pa namang drama surrounding the ring from the beginning. Di din pala susuotin.”


May mga nagtanong din kung nasaan ang kanyang mister na si Tom Rodriguez.

“Asan si tom now lang sa vlog mo wala siya…sad fan here!??”

Napansin din ng netizens ang mugto na mga mata ni Carla.

“Bat parang mugto eyes nia sa nakita kong ig story”


May nag-comment naman na pa-isyu lang si Carla.

“Tapos mga IG stories nya naka focus pa palagi sa mga kamay nya. Parang sinasadya nya na ewan. Yung previous stories nya ganyan din mga angguluhan focus sa kamay. “

“Nakakadistract yung paghawi hawi ng buhok nya. sana inipit na lang nya.”

“Halos lahat ng videos nya ganyan sya.”

“Papansin sya”

“Pa-issue.”

Ganern?

Tags:

You May Also Like

Most Read