Latest News

WEDDING RING IBINANDERA NI ANGEL LOCSIN

NI BETH GELENA

SIMPLENG Valentine’s message, pero tagos sa puso ni Angel Locsin ang pagbati ng asawang si Neil Arce.

Sa Instagram ng businessman-producer, may pinost siyang larawan ni Angel at nilagyan niya ng caption na:


“Wala ka na choice kasal na tayo may date ka na tuwing Valentine’s. I Love you!”

Kaaliw naman ang sagot ng humanitarian actress sa message ng mister: “Ok, legit na.”

Marami namang kinilig sa simpleng greetings ng celebrity couple.

“Happy Valentine’s Day po,” pagbati ng mga ito sa mag-asawa at ang iba naman ay heart emojis ang komento.


Nag-advance celebration ang celebrity couple kung saan pinost ni Angel ang mga larawan ng kanilang pre-Valentine date.

Hmmm…

Kaya ba nasabi ni Neil sa caption picture ni Angel na siya lang ang makaka-date nito tuwing Valentines dahil na-threaten siya sa isang guy na drinawing ang face ng aktres sa thigh nito?

Nag-react si Angel at tinag niya si Neil.


Nang makita ni Neil.ang video clip, agad namang nagkomento ng producer-director ng: “Challenge accepted.”

Sa pre-Valentine’s date ng celebrity couple ibinigay ni Neil special surprise gift sa misis na wedding ring.

Matatandaang walang nakahandang wedding ring nung magpa-civil wedding sila last July 26, 2021 na ang nag-officiate sa kanila ay si Taguig Mayor Lino Cayetano.

Tags:

You May Also Like

Most Read