Latest News

Walang pag-amin na naging ‘sila’ pero… YEN BURADO NA SA IG SI PAOLO CONTIS

Ni Julie E. Bonifacio

UMUUSOK ang balitang hiwalayan ng rumored couple na sina Paolo Contis at Yen Santos.

Nu’ng silipin namin ang Instagram account ni Yen, kapansin-pansin na isa na lamang ang naka-post na picture dated last Christmas pa.


Burado na ang nakakaintrigang magkahiwalay na IG post ni Yen at Paolo na same ang nakalagay sa photo ng isang romantic set-up for a dinner date sa tabi ng dagat.

Mabilis ang naging hinala ng netizens na doon magdi-dinner ang rumored couple bilang birthday treat daw ni Paolo kay Yen last November.

Wala na ring makikita na ibang IG post si Paolo na mababanaag ang presence ni Yen kasama ang Kapuso actor.

Puro trabaho, family at pagluluto na magkakalayo ang petsa ang makikita sa Instagram ni Paolo.


May mga post naman si Yen sa kanyang IG stories na parang may pakahulugan ang dating.

Parang “nagpaka-mongha” na lang si Yen sa bahay for the past 27 weeks at walang ginawa kundi magbasa ng libro batay na rin sa mga larawan sa kanyang IG stories.

Ilan sa mga libro na ipinost ni Yen ay ang “Ugly Love” ni Colleen Hoover na nilagyan niya ng crying emojis.

Ang isa pang libro na pinost niya ay ang “Reminders of Him” by C. Roover again.


May nakalagay naman na mensahe sa picture si Yen na “I have no words, just tears.”

Senyales nga kaya ito ng paghihiwalay nila ni Paolo kahit wala naman silang ginawang pag-amin publicly?

Tags:

You May Also Like

Most Read