Latest News

VLOGGER DONNALYN BARTOLOME IDINEPENSA ANG ‘TOXIC’ POST

NI BETH GELENA

UMANI ng maaanghang na komento sa netizens ang vlogger na si Donnalyn Bartolome matapos mag-viral ang January 3 post niya sa Facebook.

Sa kanyang post ay tinanong niya kung bakit “sad” ang mga tao na bumalik sa trabaho pagkatapos ng holiday vacation.

Post ng vlogger: “Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat mas masaya ka kasi may chance ka na paggandahin buhay mo at ng pamilya?”

“Trip ko pa nga pag may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun,” dagdag pa niya.

Binanggit din niya na kung ang trabaho ng mga tao ay nakakapagpasaya sa kanila, umaasa siyang makahanap sila ng trabahong makakatugon sa kanila at “na pakikiligin ka.”

“Anyway, reminder lang ito na blessing ang pagkakaroon ng trabaho bessss change mindset na, 2023 na!!” say pa ng vlogger sa post niyang agad na nag-trending.

Umani ang post ng iba-ibang reaksyon sa mga netizens.

Inakusahan ang vlogger na nagpo-promote ng “toxic positivity” sa social media na hinimok ang netizens na “magpasalamat” na lamang sa pagkakaroon ng work sa kabila ng pagtatrabaho pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon.

Kaya naman nagpost ulit si Donnalyn bilang depensa sa kanyang naunang post.

Bilang tugon sa backlash, ipinagtanggol ni Bartolome ang kanyang pahayag sa isang follow-up na post noong Enero 5, habang ibinahagi niya ang isang serye ng mga throwback photos ng nakaraan bilang pagiging mahirap.

“I’m posting to let you know that yung positivity na yun hindi nanggaling sa privilege, matter of fact, it came from experience… hindi lang talaga ako pala-share ng hirap kasi lagi kong iniisip na baka lalo akong makabigat sa buhay niyo. Mali pala yun… okay din pala na minsan malaman ng mga tao yung hirap mo at hindi lang yung success mo,” aniya.

Tags:

You May Also Like

Most Read