Latest News

VILMA VITUG AFFORD BUMILI NG ISLA SA MINDANAO

NI BETH GELENA

PARANG Quiapo at Divisoria lang kung bumiyahe mula Amerika patungong Pilipinas ang dating sexy actress na si Vilma Vitug.


Imagine, sa Los Angeles, USA siya permanenteng naka-base pero noong lumuwag-luwag ang pandemya this year, nakakailang beses nang bumabalik ng bansa ang dating aktres na successful businesswoman na ngayon.

Take note na may YouTube channel din si double V na “VJen Passion.”

If I am not mistaken tatlo o pang-apat na pagbabalik sa ‘Pinas na ni Miss Vitug.


So happy naman ako dahil tuwing uwi niya sa bansa ay hindi niya nakakalimutang kumustahin ang inyong lingkod.

Vilma is one of my longest friends dahil halos dalawang dekada na kaming magkaibigan.


This October 25, uuwi na naman daw siya para i-treat ako sa aking nth birthday.

So flattered po ang inyong lingkod kasi may inimbita pa siyang ibang kaibigan niya sa press.


Pero isa raw sa big reason kaya babalik si double V sa bansa dahil balak niyang bumili ng island somewhere sa Mindanao na papangalanan niyang VJen Family Island.

Ibang level ng kabonggahan, di ba po?



Tags: Vivian Vitug

You May Also Like