Latest News

VICE SA ISYU NI TONI: RESPECT HER DECISION

NI BETH GELENA

DISMAYADO ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa mga gumagawa ng fake memes na pinag-aaway ang celebrities.

Say ni Vice sa kanyang social media account: “Andaming fake news at wrong informations sa TIKTOK! Haaay!!! Mga contents na pagaawayin ang mga tao. Uudyokin kayo para magalit. Andaming mssamang tao na lalong pinagugulo ang mundo. Wag kayong pabiktima.”


Nag-post din siya ng reaksyon niya sa kinakaharap na isyu ng “unbothered” TV host na si Toni Gonzaga.

“We all have the right to choose, so please respect Toni’s decision as well.”

Dahil sa reaksyon ni Vice kay Toni, sinama tuloy siya ng netizens sa hindi kagandahang mga komento:

“Kadiri at nakaka squammy. Hay sana tigil na yan”


“I wonder what his views sa recent issue.”

“Impossible kasi for me na hindi alam and nakita ever since ni Vice ang true ugali ni T.”

“Actually, hindi ako makapaniwalang madaming naniniwala sa mga gawa gawang videos sa socmed! Dati i just ignored pero nakaka bother na nung narinig ko mismo sa mga relatives ko haaaay”

“Kaya maraming gumagawa nyan kasi kumikita rin sila sa mga uto uto”


“So kung sinabi ni Vice na fake news yun, meaning hindi niya suportado ginawa ni Toni.”

“huh?? kinlaro lang ni vice na hindi niya statement yun, alangan angkinin niya na sinabi niya yon, it’s a fake information”

“nananawa na ko sa kkblock ng mga ganyang channel sa youtube, grabe. napaka gullible pa naman ng mga elders natin, madalas sila ung mga nanunuod ng ganyan.”

“Parehas lang silang nagbabatuhan ng maling impormasyon sa isat isa. (Pink Red!)Nakapili na ang mga tao. No need sa ganyang mga content. Nakaka suka”

Ang harsh naman nila…

Tags: ,

You May Also Like

Most Read