Latest News

Vice Ganda: Madlang people ang tunay na tahanan ng ‘It’s Showtime’

By: Beth Gelena

MAY mensahe si Vice Ganda sa madlang people sa gitna ng rigodon sa TV channel ng kanilang noontime show.

Pero ang isang siniguro ni Vice ay tuloy ang ligaya sa “It’s Showtime” kahit bago na ang kanilang tahanan.

Bagama’t marami ang natutuwa sa anunsyong eere na ang “It’s Showtime” sa GTV ng GMA Network sa July 1, hindi maikakaila na marami ang nakaramdam ng pagkalungkot dahil aalis na sjla sa TV5.


Ani Vice: “Dear It’s Showtime family, Alam kong nagulat kayo. Naguguluhan. Natatakot. Nalulungkot. Naiiyak. Haaaaay! Hingang malalim. May kaguluhan at kabilisan ang mga ganap.”

“Ganunpaman, kalma lang. Nakakabigla man ang mga nangyayari, sabi nga ng linya ko sa kanta natin, ‘Basta’t kasama Kapamilya, kahit ano pa ‘yan kayang-kaya!’ Sa daming mga pinagdaanan natin, kering keri na natin ‘to. Naranasan na natin ang ma-torture, mabugbog, ilibing nang buhay. Ngayon pa ba! Tapik na lang ‘to!


“Madami mang walang kasiguruhan, pero sigurado akong mahal tayo ng minamahal nating Madlang People. At ang pagmamahal na yun ang bumuhay satin sa bawat paghihingalong naranasan noon. Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin.”

“Kaya tuloy lang. Patuloy tayong magpasaya at magbigay ng pag-asa. Maniwala ka, ‘Ituloy lang ang sikap, sa dulo’y kikislap!’ Sa oras ng iyong panghihina at pagkalito ay sasamahan kita. Bubuhatin natin ang isa’t isa. Itataguyod kahit anong pagod. ‘Di kita iwan. Pahirin mo ang iyong luha. Itutuloy natin ang saya. Dito at doon. Damhin mo ang mahigpit kong yakap. Mahal na mahal kita!” say ni Meme Vice.


Sinabi pa ni Vice na kahit may nawawala sa buhay ng isang tao ay laging pinapalitan ito ng magandang bagay.

“Life is fascinating and makes you grateful. When it takes one thing from you it always replaces it with something else,” quote pa Vice.

Tags: Vice Ganda

You May Also Like

Most Read