NI BETH GELENA
LALONG lumalakas ang bulungan na lilipat na si Vice Ganda sa Kapuso dahil nakipag-usap na raw umano ang “It’s Showtime” host kay Bobot Mortiz, na connected na rin sa GMA7.
Espekulasyon tuloy ng netizens ay dahil sa pag-ober da bakod ni Vice ang kanilang pinag-usapan.
Si Vice umano ang ipapalit sa timeslot na iniwanan ni Willien Revillame.
Parang may nakakopo naman na sa timeslot na kanilang sinasabi.
Hindi ba’t ang “Family Feud” kung saan si Dingdong Dantes ang host ng game show ang nasa timeslot na nabakante.ng “Wowowin”?
Mas lumala pa ang sitsit nang hindi nakadalo ang Unkabogable Star sa birthday party ng ABS-CBN CEO na si Ms. Cory Vidanes kamakailan.
Naging topic nina Mama Loi at Ogie Diaz sa kanilang “Showbiz Update” sa YouTube channel.ang isyung ito ni Vice.
Malapit si Ogie kay Vice, kaya tanong Mama Loi: “So lalong lumalakas ‘yung sapantaha ng netizens and Mariteses na baka nga lilipat na si Meme (tawag kay Vice).”
Sagot ni Ogie: “Hindi lang nakapunta sa birthday ni tita Cory, lilipat na kaagad?”
Susog naman ni Mama Loi: “E, kasi ang daming big stars na nandoon tapos si Meme wala?”
“Kahit naman daw ang alaga niyang si Liza Soberano ay wala rin doon dahil nasa Amerika para sa isang proyektong pagsasamahan nila ni James Reid,” giit ng batikang manunulat.
Kasalukuyan pa rin naman daw napapanood si Vice sa noontime show kaya nagtataka sila kung saan nanggagaling ang isyu kay Vice, kaya tanong uli ni Mama Loi kung may kontrata pa si Vice sa network.
“Alam mo nang-iintriga ka talaga tapos ako na naman ang maku-quote,” sagot agad ni Ogie.
Pero paliwanag niya: “Hindi ko alam (kung may kontrata pa), pero di ba kapag ganyan ina-announce (pag nag-renew) pag pumirma? E, hindi pa natin nakita si Vice na pumirma.”
Sadyang ayaw tantanan ni Mama Loi si Ogie: “So, it means free na siya wala na siyang network contract. Bakit hindi ka makasagot nang diretso?”
“Hindi ko kasi alam! Hindi ko talaga alam Loi,” pagdidiin ng manager ni Liza.
Pagpapatuloy ni Ogie: “Ganito lang ‘yan kung si Vice wala pang pinipirmahang kontrata sa ABS-CBN ibig sabihin malaya siyang tumanggap ng kahit ano.”
“Ang hindi natin alam kung si Vice Ganda ay may kontrata sa It’s Showtime or isa lang ‘yun na naka-incorporate sa network contract. O basta, alamin na lang natin ‘yan at malamang may announcement,” dagdag pa ni Ogie.
Biro ni Mama Loi: “Yung mga ganyang may announcement feeling ko may alam ka, eh!”














