Latest News

VICE ATAT MAKASAMA SA PROYEKTO SI MAINE, ALDEN

MATAGAL-TAGAL na rin walang pelikulang ginawa si Vice Ganda.

Ang pinakahuli niya ang entry sa Metro Manila Film Festival katambal si Anne Curtis na “The Mall, The Merrier.” Kaya naman marami sa kanyanmg followers ang nagtatanong kung kailan nila mapapanood ang idol nila sa big screen.

Isang vlogger ang nagtanong kay Vice kung pasok ba sa ideya niya na makasama ang Asia’s Multimedia Actor na si Alden Richards, knowing na game na game rin si Alden na makasama sa isang movie ang Unkabogable Phenomenal Star.


“Jusko, tinatanong pa ba ‘yan? Gustung-gusto ko ‘no. Gustong0gusto ko makagawa ng pelikula kasama si Alden, kasama si Maine Mendoza, kung may pagkakataon,” sagot ni Vice.

Inamin din ni Vice na kapag may chance na magkrus sila ni Alden sa isang celebrity event ay hindi raw niya pinalalagpas na mag-selfie sila ng Pambansang Bae.

“Sana magkasama kami. Super gusto ko ‘yan si Alden. Tsaka ang bait-bait niyan. Ang bait din niyan sa’kin kapag nagkikita kami, binabati din ako. Sana makagawa tayo ng pelikula Alden, super love ko ‘yun. Nagkikita lang kami, kapag may awards night, nagpapa-picture ako sa kanya. Ang gwapo-gwapo niya ‘di ba in person, ang bait-bait, ang bango-bango,” sai ng It’s ‘Showtime host.’ (WALLY PERALTA)


Tags:

You May Also Like

Most Read