NI BETH GELENA
ANG daming naghahanap sa special participation ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa nakaraang Miss Universe Philippines.
May post si Catriona hinggil sa Q&A segment na para bang sinassbi niyang dapat daw ay hirap-hirapan ang tanong.
Post ni Cat: “i wish the girls were given more difficult questions. Feeling ko kayang-kaya nila. Anywho who is your MUP2022? with PH flag emoji… excitinggg!”
May umayon naman sa post ni Catriona.
“TAMA TE’ YUNG QUESTIONS NILA KAYANG KAYA SAGUTIN NG 12 YEARS OLD GIRL. Now 24, this fashion model and singer has raised fund for various charities through benefit concerts in her country and abroad.”
Tatlong crying laughing emojis at “hoyyy” ang tanging sagot ni Catriona.
May isa pang post si Catriona na: “Great speakers.in this batch excited to see how they handle spontaneous Q&A.”
Hinahanap naman ni @Audrey Torres si Cat sa event, saying: “asan na ang special participation mo mars??????”
Sagot ni Cat kay.@audreytorres: “Actually hindi ko rin alam.”
Nagdagsaan tuloy ang komento ng pageant fanatics.
May kanya-kanya silang reaksyon hinggil sa pagpuna ni Cat sa Q&A at ang pagkawala umano niya sa special participation ng Miss PH 2022.
“May beef talaga ang grupo ni Catriona sa grp nila Shamcey. Halata ngayong gabi hahaha”
“Anong beef? Db nasa dinner nga siya kasama sina Pia? Saka may video siya before rumampa past queens.”
Patutsada naman ng isang netizen: “Entitled.”
Syempre may sumagot ng: “As it should be. Hello Miss U natin yan dapat lang maging entitled”
“Hello she’s Miss Universe 2018. Lol she is really entitled.”
Pagtatanggol naman ng isa: “Kahit medyo negatron sya lately i still feel bad na wala sya dun. Yung rumampa silang lahat tas after Pia si Beatrice na agad. Sana set aside na lang muna kung ano man mga issues nila.”
Mukha wala namang alam ang isang nag-comment ng: “Anong issue?”
“parang may something itong si Catriona,” sagot ng isa.
“Nasa loob ang kulo”
“Catriona, the best Miss Universe ever!”
“Sana sinet-aside nalang muna differences. Kahit d kasama sa hosting kahit man lang pinarampa si Cat”
“Sa lahat ng MU Queens na present, si Cat lang ang hindi rumampa or pinarampa ?? I’m wondering why….”
Esplika naman ng isang netizen kung bakit wala si Catriona.
“May shoot sa bohol. Pero meron siyang video before rumampa yung ibang queens.”
“She was just tweeting as a pageant fan. And aminin, parehas tayo ng iniisip tungkol sa Q&A. Masyadong basic. Mga haters talaga ni Cat, hindi maka move on.”
“Agree, tapos Kahit Hindi need mag explain kung Bakit Wala siya mapapa explain tuloy Kasi toxic ang mga fans. Laging ginagawan ng iss”
Intriga ng isang Marites: “di ba nila ka vibe si muning? parang wala syang masyadong friends”
“Totoo bakit parang ang awkward nila ni Pia”
“Hindi lang siguro ka level ni Pia”
“Si Ate gurl naman hindi na lang ibigay ang gabi sa mga MUPH contestants. Bakit feeling ko gusto niya palagi siyang angat/bida pag may event. Pahumble naman minsan oh”
“Bakit lately parang ang papansin ni Cat ?? Ang ganda ng nanalo ngayong gabi walang panama beauty nila ni Pia”
“ganda yes. confidence waley sinabi kila Pia and Cat sa true lang”
“Bakit ganun, ang daming kabardagulan itong c Catriona? Lol”
“Hindi easy ang questions. More like sabaw lang sumagot mga candidates and di nila nabigyan ng depth yung mga tanong. If it was Pia or Cat ang sumagot for sure nabigyan nila ng deeper meaning yung questions kahit mukang simple lang”
Muling nagtanong na netizen na curious sa topic na pinag-uusapan.
“Ano ba yung issue? Bakit waley rampa si cat? Wala ako mahanap na sagot sa Twitter hahaha pa”
At last may sumagot sa kanyang tanong: “I think Catriona had her participation in binibini so Shamcey decided not to include her in presenting the contestants in their miss universe , the have different faction but she was invited.”
“Really? I mean Catriona had stage presence and confidence..love love her famous lava walk btw…was her question in miss you difficult? i didn’t think she had the most intelligent answer either? Ang yabang lang”
Ayaw pa rin tantanan hanggang sa huling komento ang dalawang Miss U na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas para sa pinakamagandang babae sa buong mundo.
“Mas magaling pa siyang mag host kesa kay Pia eh so sana siya pinag host.”














