NI BETH GELENA
UNA ay urong-sulong pa si Mariel Padilla.sa tanong ng netizens kung ano ang naman ng mga anak nila ng Robin Padilla sa kanilang ama.
Sa kanyang pinakahuling YouTube video, isa-isang sinagot ni Mariel ang ilan sa mga tanong ng kanyang Instagram followers.
Isa sa tabing kasi kung ano raw sa tingin niya ang ugali ni Robin na namana ng mga anak nila.
Sandaling napaisip si Mariel — sasagutin ba niya o hindi ang tanong?
Subalit nangibabaw ang pagiging totoo sa sarili ng TV host.
Kaya walang kiyemeng sinabi nitong ang pagiging seloso ni Robin ang namana ng kanilang dalawang anak sina Isabela at Gabriela sa kanya.