SINAGOT ni Tito Sotto ang ini-release na official statement ng TAPE, Inc na tuloy pa rin ang “Eat Bulaga” with new hosts at kung puwede pa rin bang gamitin ang kumpanya ang titulong “Eat…Bulaga!”
Iginiit ni ni Tito Sen na naka-file ang copyright ng “EB!” sa TVJ pero aniya: “Kaya sige, ‘di gamitin muna nila (ang EB title) habang nag-iisip pa kami kung ano ang mga susunod naming steps, pagkatapos, hindi bayaran. Madali namang maningil, eh.“
Pero ang siniguro ni Tito Sen ay ang pagbabalik nila sa telebisyon dahil mayroon na silang bagong tahanan — ang TV5.
Pero bago sila napunta sa TV5 ay may tatlo pang nework ang offer sa kanila — ang Net25, Cignal at One PH.
“Saka nakakatuwa, ‘yung isang member ng board ng Channel 9, kaibigan ko, anak ni (yumaong) Kitchie (Benedicto, dating RPN-9 executive) tumawag sa akin tinatanong kung gusto naming i-consider sila,” kuwento ni Tito Sen.
Sa July 30 ay ipagdiriwang ng “EB” ang kanilang 44th anniversary.
“Hopefully, very soon (mapanood na sila), kasi ayaw naming mawalan ng trabaho yung mga production staff, saka yung mga empleyado, yung mga ibang crew, mga cameramen.” aniya.
“Marami kaming gustong gawing bagong portion after July 30,”dagdag pa niya.
Siniguro rin ni Tito Sen na kasama nila ang buong Dabarkads na kasama nilang nag-resign din sa TAPE, Inc. noong May 31.
“Si Pareng Joey. mga tatlo o apat na beses nang umiiyak, eh. Sinasabi sa akin habang kausap ko sa telepono. Natutuwa kami. Sobra ang pasasalamat namin sa Panginoong Diyos, una sa lahat,” pahayag ni Tito Sen.














