NAGING very emotional ang first episode ng noontime show ng pagbabalik TVJ sa TV5.
Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang Legit Dabarkads have finally kicked off their noontime show on TV5 last Saturday.
Hindi mapigilang maluha ng iconic trio noong pumasok na sila sa.kanilang bagong tahanan.
Maging sina Pauleen Luna at Kristine Hermosa ay hindi rin mapigilang maging emosyonal.
Hindi pa rin tuluyang nire-reveal ng hosts ang title ng kanilang programa, pero kinanta nila ang Eat Bulaga theme song, changing a part of its lyrics to “buong bansa… EAT”
Humingi rin ng paumanhin si Vic sa audience dahil hindi pa raw nila ma-accomidate ang ibang viewers na makapasok sa studio dahil maliit pa raw ang venue.
Anyway, ang programa ng TVJ ay mapapanood na araw-araw mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa Kapatid Network.














