Latest News

TVJ at ‘Dabarkads’ tuloy ang lipat sa TV5

TULOY na tuloy na ang paglipat ng Tito, Vic and Joey at ang “Dabarkads” sa TV5 matapos magkasundo ang mga ito at ang MediaQuest Holdings, Inc.

Ayon sa balita, sa mismong bahay MediaQuest Holdings, Inc. top honcho Manny V. Pangilinan nag-meeting ang grupo para ma-finalize na ang kanilang paglipat sa noontime slot, kapalit ng It’s Showtime na matatapos na umano ang kontrata sa TV5 sa June 30.

Ang kasunduan ay magbubukas bagong bagong kabanata sa iconic entertainment career nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.


“I’m honored that these pillars of Philippine entertainment industry have agreed to work with us. Ang aming pakikipagtulungan ay nagpapatibay sa aming kakayahang magpatuloy na maihatid ang pinakamahusay para sa mga manonood na Pilipino dito sa bahay at sa buong mundo, “pahayag ni Mediaquest president and CEO Jane Basas.

“I’m happy that Tito, Vic, and Joey will now call TV5 their new home,” dagdag pa ni Basas.


Samantala, sinabi naman ni Tito Sotto: “Kami ay nagpapasalamat sa aming mga kaibigan sa Mediaquest para sa bagong simulang ito.”

“Dahil sa ating mga ‘Dabarkads’ na naging Kapatid, tuloy pa rin ang tuwa’t saya na aming dala,” say pa ng dating senador.


Ayon pa sa tsika, hanggang June 30 na lang mapapanood ang “It’s Showtime” sa TV5.

Sa announcement na inilabas, simula July ay mapapanood pa rin ang “It’s Showtime” sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, Kapamilya Online Live, at iWantTFC livestream.

Tags: Tito, Vic and Joey

You May Also Like

Most Read