Latest News

TULA NG ‘PAGKATALO’ NI MICHAEL V VIRAL AGAD

NI BETH GELENA

TRENDING ang tulang ginawa ni Michael V ukol sa pagtanggap ng pagkatalo.

Inamin ni Bitoy na si Bise Presidente Leni ang kanyang ibinoto.


Aniya, kung ang ibang pinklawan ay hindi matanggap ang pagkatalo, buong- puso namang tinanggap ng actor-comedian na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nanalo sa nakaraang May 9 elections.

Gumawa pa nga siya ng tula tungkol sa kanyang pagkatalo na nag-viral sa social media.


Narito ang kanyang tula:

“Kulay PULA ang nanalo,
Oo, tanggap ko na ito.
Kahit PINK ang dugo ko
mananaig ang RESPETO
Lahat kayo na bumoto
at nagluklok sa kanya sa trono.
Kayo ang boses ng Pilipino
kaya mananahimik na ‘ko
Hindi politiko kundi hamak na artista
Larawan at tula,
yan lang ang hawak kong sandata.
Wala akong ambisyon na mamulitika
Baka manalo lang ako,
hala, naloko na!”


“Comedy at entertainment
hanggang dun lang ang ambisyon.
Hindi “puwesto sa gobyerno”
kundi “time slot sa telebisyon”
Ito ang mundo ko sa mahigit tatlumpung taon
Pero hindi ako bulag
at dalawa ang mata ko
Isang mata sa bayan at
isang mata sa ‘yo
Susundin ko ang gobyerno
kahit hindi kita binoto
Sige na, move on na,
‘wag nang maghanap ng butas
Ang trabaho n’yong naiwan naghihintay pa rin yan bukas.”

Maganda ang mensahe ng tula ni Michael V na sana ay tularan din ng kanyang kapwa-Pinklawan.

Tags: Michael V

You May Also Like

Most Read