NI BETH GELENA
NAUNA nang na-tsika sa “Showbiz Update” nina Ogie Diaz at Mama Loi ang tungkol sa pagkawala sa ere ng TV5 noontime show na Tropang LOL at papalitan umano ito ng dating programa din ng TV5 na “Face to Face.”
Tsika pa ni Papa Ogs, kinausap na ng management ng LOL ang staff sa mangyayari kaya naman ang last taping daw ng Tropang LOL ay sa March 29 at sa April 29 na umano ito tuluyan mamamaalam.
Kaya naman may advance announcement na ang “It’s Showtime” na simula sa Aprl 29 ay balik na sa 12 noon timeslot na sila,
Aksidente kasing naikuwento umano ni Karla Estrada ang tungkol sa bago niyang show na “Face to Face” kasama ang isang komedyanteng na ang timeslot ay sa oras ng LOL.
Say ni Mama Loi, baka naman daw maglilipat lang ng time slot ang LOL dahil kawawa naman daw ang staff ng noontime show na mawawalan ng trabaho.
Halos lahat daw kasi ng staff sa LOL ay galing ABS-CBN na nawalan ng trabaho noong hindi na- renew ang prangkisa ng Kapamilya.
Sana nga raw ay ganun na lang ang mangyari na ilipat na lang ng oras ang LOL at huwag na itong tsugihin.
Napabalita pa last year ang isyung ito, pero hindi naman natuloy.














