NI BETH GELENA
UNTIL now, hindi pa rin natatapos ang isyu hinggil sa Tropang LOL at sa Korean group na Super Junior na ginawa umano nilang joke sa segment nilang “Maritest.”
Sa twitter ni @BeneciaOvidia msy posted siyang breaking news: “SBS KOREA MADE A REPORT ABOUT TROPANG LOL’s ISSUE on KPOP MEMBER of SUPER JUNIOR
“Let’s just do precautionary measures to prevent.such incident like this, the program is under Brightlight Productions. Public apology will do.”
Mukhang KPop fans ang nanggagalaiting mag-public apology ang Tropang LOL.
Katunayan, may pinapakalat pa.silang #CancelTropangLOL.
Ani ng netizens: “You get what you deserve, mas kukuyugin kayo lalo ng kpop fanaticsss..”
“Syempre big deal sa ibang kpop fans yan.”
“Cringy talaga ng show nina Alex Gonzaga. Kahit youtube clips sa youtube hindi ko matapos panuorin.”
“Taray ng LOL, napapansin dahil sa mga kapalpakan, i mean nagkakaroon din naman ng kapalpakan ang showtime at eat bulaga pero atleast kilala sila as entertaining, eh ang LOL? napakacringy at corny.. ika nga bad publicity is still a publicity. tarush!”
“Hahahahaha at least napag usapan kahit ilang segundo ang LOL.”
“That’s how big LOL is? Pinag-aksayahan sila ng panahon ng Korean celebs? Ehdiwow.”