Latest News

Tony Labrusca absuwelto sa kaso

Ni JULIE E. BONIFACIO

SA unang pagkakataon ay nagbigay ng reaksyon ang aktor na si Tony Labrusca pagkatapos maabswelto sa kasong act of lasciviousness.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Tony sa naging desisyon ng Makati Metropolitan Trial Court sa kasong isinampa laban sa kanya.


“Masaya na ako,” matipid na ngiti ni Tony. “Life moves on and, wala. I don’t wish anybody ill. Well, ano na lang, ang universe na ang bahala sa kanila. ‘Tsaka, everything happens for a reason. ‘Yun lang.”

Malaki ang ipinayat ni Tony since huli namin siyang nai-interview. Obvious na naapektuhan si Tony sa kasong kinaharap niya. Although bumagay naman kay Tony ang kanyang pagpayat. Mukhang naging fresh at mas bumata si Tony ngayon.

“Sobrang saya ko. Kasi, bitbit ko ‘to isang taon. Ang daming nag-doubt sa akin. Ang daming nanghusga sa akin. Tapos ngayon, meron na akong concrete evidence na hindi ako ‘yung tao na lagi na lang ina-accuse ng tao, alam mo ‘yun? Hindi , I’m not the person that everybody’s always accusing me to be. So, ayun, masaya ako,” emosyonal na sabi ni Tony habang nagbalik-tanaw sa kanyang pinagdaanan.

It’s a good relief, ayon pa kay Tony, ang pagkaka-acquit niya kaso. Never din daw inexpect ni Tony na magkakaroon agad ng desisyon ang korte.


“First case ko ‘to kaya hindi ko alam kung ano ‘yung procedure. Pero sana, eto ‘yung first and last ko,” lahad niya.

May malaking lesson daw na natutunan si Tony after his case.

“I’m not gonna trust people too easily anymore,” diin niya.

Pupunta sa New York si Tony to shoot a movie project with KC Concepcion.


“I’m going to New York to shoot a movie and when I get back I’m going to the beach. And then, I’m just gonna enjoy my life,” aniya kasunod ang malalim na buntong-hininga ni Tony.

Tags: Tony Labrusca

You May Also Like

Most Read