NI BETH GELENA
SA binigay na pahayag ni Toni Gonzaga kaugnay sa pag-alis niya bilang host ng ‘Pinoy Big Brother,” sinabi niyang pinakamalaking karangalan ang maging host ng PBB sa loob ng 16 na taon.
Tuluyan na kasing namaalam si Toni sa reality show na ayon sa kanya ay isa mga programa na tumatak sa milyong Pilipino.
Isa si Toni sa orihinal na hosts ng PBB.
“It has been my greatest honor to host PBB for 16 years,” sabi ng misis ni Direk Paul Soriano.
Sa pag-alis ni Toni as a host ng PBB, in-endorso niya si Bianca Gonzales bilang kapalit niya as the main host ng reality show.
Ilan sa hosts ng PBB ngayon ay ang dating housemates na sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, Richard Juan, at Enchong Dee.
“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya.
“Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy.
“It has been my privilege to greet you all with ‘Hello Philippines’ and ‘Hello World’ for the last 16 years,” say ni Toni.
“I will forever cherish the memories, big nights, and moments in my heart. Thank you Kuya for everything.
“This is your angel, now signing off,” pamamaalam ni Toni.