NI BETH GELENA
May poser na gumagamit ng account name ni Toni Gonzaga kaya naman nagbigay siya ng babala sa publiko.
Nanghihingi umano ang poser ng digital gift sa netizens.
Ini-screenshot ng actress-TV host ang nagpapanggap na siya para ipakita ang poser account.
Pinopromote.pa ng poser ang bagong vlog ni Toni para mapaniwala ang subscribers na siya mismo si Toni.
Babala ni Toni sa kanyang official account niya: “We don’t ask for money.. this is a fake account. If you can also report. Thank you so much.”
Marami nga raw ang gumagamit ng account name ni Toni.
Magmula umano nang ma-link ang name nilang mag-asawa ni Direk Paul Soriano kay President Ferdinand Marcos Jr., ang daming poser ang gumagamit ng kanyang pangalan.
Pero binabalewala naman daw yun ng aktres.
Kaya lang ibang usapan na raw yung may money involved kaya siya nag-react ay nagbigay na ang warning.
Hiling niya sa kanyang subscribers at followers na huwag maniniwala sa poser na nanghihingi ng money.
Never daw niyang ginawa sa kanyang followers na humingi ng digital gift.














