NI BETH GELENA
DEDMA sa bashers at enjoy sa pangangampanya sa sinusuportahan niyang kandidato si Toni Gonzaga.
Lahat ng campaign rally kasama si Toni kaya lagi siyang may baon magagandang awitin para sa audience.
Tulad na lang nang nag-perform si Toni sa song na ” Titanium.”
Grabe ang impact sa audience at naghihiyawan ang umattend sa rally sa Sta. Rosa, Laguna last March 11.
Matatandaang a few weeks ago, kinanta ni Toni ang “Roar” ni Katy Perry.
Nag-viral ang performance ni Toni na nakatuwaan pang pinanood nina Angel Locsin nung magreunion silang magkakaibigan na Sina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Bea Alonzo at Dimples Romana.
Komento ng netizens sa performance levelng misis ni Direk Paul Soriano:
“No words to express. Toni go go go.”
“Congrats idol dumadami na subs mo..more power and keep safe always WATCHING FROM THAILAND.”
“Jealous, Jealous sila dahil Alam nila kung hanggang saan ang kaya ni Tony, good personality, smart, she can act, she can sing and both of them are very successful.”
“Very energetic and unpredictable person love yah ms. TONI GONZAGA …”
“Grabe talaga ka Jets!!! Nakataba ng puso makita na ganon ka katapang at napaka-energetic.”