TONI G MAY DALAWANG PROYEKTO SA VILLAR TV STATION

NI BETH GELENA

MAY tsika na dalawang proyekto ang gagawin nng Queen of Multimedia actress-cum-TV host Toni Gonzaga kapag nagbukas na ang AMBS o Advance Media Broadcasting System na pag-aari ni dating senador Manny Villar.

Ang TV host na si Willie Revillame umano ang itinalaga ng dating senador para mamuno ng nasabing bagong network.


Magmula noong umalis si Toni bilang host ng “Pinoy Big Brother” dahil piniling mag kampanya sa Uniteam nina Bongbong Marcos ay Mayor Sara Duterte, iisa na lang ang pinagkakaabalahan ng TV host-actress — ang kanyang YouTube channel na “Toni Talks.”

Samu’t sari kasing reaksyon ang natatanggap ni Toni sa kanyang social media account dahil ginawang pag-host sa campaign ng UniTeam.

Kahit pa tapos na ang kampanyang eleksyon, hindi pa rin tinatantanan ng mga batikos si Toni.

Pero kahit anong masasakit na salita ang binabato ng netizens sa TV host, dinededma na lang niya ito.


Kumbaga, pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga.

Pabor naman sa mahusay na TV host ang pagiging bingi-bingihan dahil mismong netizens na ang tumigil sa pamba-bash sa kanya.

Ang tanong ng netizens, makakabalik pa raw ba si.Toni sa.Kapamilya kapag natapos na ang eleksyon 2022?

Sa “PBB” lang naman daw nag-resign si Toni as a host at hindi sa network.


Well, well, well…

Magkakaalaman na lang po kapag nag-announce ang network.

And if wala, baka nga i-grab ni Toni ang nababalitang dalawang programa na in-offer sa kanya umano ng AMBS, kung mayroon man.

Tags: Toni Gonzaga

You May Also Like

Most Read