NI BETH GELENA
HINDI na umano si Toni Gonzaga ang magho-host ng Pinoy Big Brother.
Wala pa raw resignation na nangyayari, pero in-endorso na raw niya si Bianca Gonzales na kapalit niya.
Hinihintay na lang daw ang final statement ni Toni sa isyung ito.
May ugong pang baka raw lumipat si Toni ng istasyon.
At ang haka-haka ay baka raw sa istasyon ni Villar?
Well, malalaman naman yan kapag nagbigay na ng detalye ang TV host.
Sinasabi nilang hindi raw naman tungkol sa pagho-host ni Toni sa campaign rally ni Bongbong Marcos kundi ang pag-introduce ng TV host kay Marcoleta bilang senador.
Isa kasi si Marcoleta na bumoto ng ‘No’ na irenew ang franchise ABS-CBN.
Regarding kay BBM wala naman daw kaso yun dahil ninong nila sa kasal ang tatakbong presidente.