Tom Rodriguez ayaw nang ipabanggit ang pangalan ni Carla Abella

NI BETH GELENA

SINABIHAN umano ni Tom Rodriguez ang kanyang followers na huwag nang banggitin ang pangalan ni Carla Abellana sa kanyang social media platforms.

May posted videos ang Kapuso actor kung saan nag-eenjoy siyang mag-ikot sa Las Vegas, Nevada.


Shinare ni Tom ang video sa kanyang followers kung gaano raw kaganda ang Las Vegas kapag gabi.

Ang daming nagkomento at ang ilan sa kanila ay name-mention pa ang name ng ex-wife na si Carla Abellana.

Kaya naman sinabi ni Tom na tigilan na raw nila ang kame-mention ng name ni Carla sa kanyang online posts.

Ayon sa netizen: “Though far from each other but [I] hope and pray that your spirit is still ONE. Stay safe and surround yourself with good people who will lead you to the right path and of course, GOD as the center of your life. GOD loves you and so [does] Carla who loves you. Happy 1st wedding anniversary. There is a happy ending.”


Very polite namang sinabi ng aktor sa nag-comment na tigilan na ang pag-mention ng name ni Carla sa kanyang posts since they are no longer together.

“Wag na po natin ibanggit ang name dito sa page ko. Thank you. We are no longer together and are moving onto our own paths,” say ni Tom.

Tags: Tom Rodriguez

You May Also Like

Most Read