Latest News

TOM NA-BANKRUPT NG SCAMMER

NI BETH GELENA

DUMARAAN ngayon sa matinding pagsubok sa buhay ang actor na si Tom Rodriguez.

Nadagdagan ang matindi niyang problema sa hiwalayan nila umano ng asawang si Carla Abellana at ngayon naman ay ang balitang bankcrupt na ang Kapuso aktor dahil na-scam.

Wala pang official statement si Tom hinggil sa bagong isyu.

Pero, ayon sa sitsit ng isang malapit sa aktor, nalimas umano ang life savings (as in zero) ng aktor dahil may nag-alok sa kanyang sumali sa Isang business venture.

Maganda ang paliwanag ng taong kumumbinsi sa kanya at hindi niya inakalang scammer pala ito.

Maaalalang nag-file si Tom ng certificate of candidacy bilang first nominee AMP (Anak Maharlikang Pilipino) Partylist na diumano kakatawan sa marginalized sector ng construction workers.

Pero hindi ito nakasali sa final list ng Partylist na inaprub ng Commission on Elections.

Ang nakakalungkot, may napangakuan na umanong tulong si Tom pagkatapos mag-file ng COC dahil nga nag-expect siyng magkakaroon ng malaking return of investment at makakatulong ang kanilang partylist group.

Hindi lang daw isa ang napangakuan niya kundi may ilan pa raw siyang kinausap tungkol dito.

Ang tanong, kailan daw kaya magsasalita si Tom tungkol dito?

May nagsasabi pang ito raw ang dahilan kaya biglaang naghiwalay silang mag-asawa na kakasal lang last October.

Nagbebenta nga rin daw si Carla ng kanyang condominium nang palugi base sa kanyang post pero walang binanggit kung konektado ito sa sinasabing pinagdaraanan ng aktor.

Tags:

You May Also Like

Most Read