TE VI UMIIYAK NA IPINAGTANGGOL SI LUIS MANZANO

NI BETH GELENA

ANG Star For All Seasons ang guest sa Fast Talk With Boy Abunda noong Valentine’s Day kaya hindi maiwasang maiyak ni Vilma Santos nang matanong siya sa kinakaharap na problema ng anak na si Luis Manzano hinggil sa Flex Fuel.


“The only thing I can say is that I know my son. Ang anak ko, tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, naghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo.

“Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, naghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo. Walang ibang nakakakilala sa anak ko kundi ako,” say ni Ate Vi.

Hindi sinasadyang nasaling ang damdamin ng multi-awarded actress nang sambitin ni KuyaBoy ang isang linya niya buhat sa Dekada ’70 na “Hindi masamang tao ang anak ko. Kahit sa oras na ito, humarap ako sa Diyos. Kahit sa demonyo, hindi masamang tao ang anak ko.”


Dito napasok ang sumunod na tanong ng King of Talk.

Aniya: “Tanong lang, Vi, bilang ina, gaano kasakit ngayon ang maranasan na may pinagdaraanan ang iyong anak na si Luis?”


Hindi agad nakasagot aktres-politiko

Hindi rin niya napigilan ang sariling mapaluha dahil sa pagsubok na pinagdaraanan ngayon ng anak na si Luis


“I’m sorry… I’m sorry, Tito Boy… It’s not easy. I’m sorry… it’s not easy.

“I mean, kaya ko i-entertain but the only thing… sorry,” ang paulit-ulit na paghingi ng paumanhin.

Hindi makontrol ni Ate Vi ang sarili kaya napaluha siya.



Maya-maya ay nagpatuloy siya.

“Mahirap din kasi na kung minsan, it’s your job to do good.

“To show people that you’re comfortable, pero deep inside, you’re hurting.

“And the only thing I can say is that I know my son.

“Ang anak ko, tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, panghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo.”

Giit ng icon actress: “Walang ibang nakakakilala sa anak ko kundi ako. And I know he’s such a good person. I’m sorry.”

Pakiusap pa ng Star For All Seasons, “Ako na lang. Huwag ang anak ko, ako na lang.”

Humingi uli ng paumanhin ang Star For All Seasons sa mga manonood: “Sorry, it’s just… naano lang ako kasi hindi ko ito in-entertain. Nadale mo lang ako, Tito Boy.”

Masakit para kay Ate Vi ang pinagdadaanan ng anak na si Luis

Pero, alam niya na hindi pababayaan ng nasa Itaas si Luis dahil wala itong kasalanan.

Totoo ang sinabi ni Ate Vi na tumutulong ang TV host sa abot ng makakaya nito.

Katunayan sa mga programa niya sa ABS-CBN, maraming natutulungan si Luis na mga contestant kapag naririnig na nega ang mga hinaing ng mga ito.

At hindi pinalaki ng Star For All Seasons ang anak na manlamang sa kapwa.

Hindi rin gagawin ni Luis na sirain ang kanilang pangalan sa industriya lalo pa at isang public servant ang ina.

Tags: Luis Manzano

You May Also Like

Most Read