Latest News

TATAY NG ANAK WINWYN MARQUEZ TINAWAG NA ‘MALIGNO’ NG NETIZEN

NI WALLY PERALTA

LAST May 1 ay pinakita na ni Winwyn Marquez sa publiko ang newly-baby born niya.

Hindi pa masasabi kung hawig ito o hindi ng kanyang partner.


Gusto kasi ni Winwyn na itago ang pagkakakilanlan ng kanyang partner at ama ng kanyang baby girl sa kadahilanan na pribado itong tao at nais niyang irespeto ito ng kanyang followers.

Magkagayunpaman, ay unti-unti naman niyang nire-reveal ang hitsura ng kanyang partner sa publiko, tulad na lang ng pagsama sa larawan ng partner sa kanyang latest maternity shoot.

Hindi buo ang kuha ng partner ni Winwyn, na kung makikita ay halos hindi mo rin mare-recognize ang buo niyang mukha.

May natuwang followers ni Winwyn pero tulad na lang ng inaasahan, may bashers din.


Isa pa nga ay harsh na nag-komento na maligno raw ang ama ng anak ni Winwyn.

“Wyn ginawa mo naman maligno c partner, yung basta nasulpot sa mga pix. Sana di sya pamilyado na kaya palagi nagtatago/tinatago,”” komento ng isang basher.

“Pag nasulpot lang sa pics problema ba yun? pag di naman nakikita pamilyado agad o kaya nagtatago agad?,” sagot naman ni Winwyn na nilagyan pa niya ito ng link ng kanyang YouTube vlog.

“Siyempre ang personal life niya there’s certain things lang na are still nice to keep private. And I think a lot of people naman will agree na yung privacy na yun is so hard to keep. So as much as possible na you can keep it, maganda na ma-keep mo siya,” sabi ng partner ni Winwyn sa naturang link kung saan ay may blurred picture ito.


Tags: Winwyn Marquez

You May Also Like

Most Read