Latest News

‘SWEETCOM’ NI PIOLO, PANTAPAT SA SITCOM NI JOHN LLOYD?

NI BETH GELENA

MAY natapos palang sitcom si Piolo Pascual mula nang bumalik siya sa home studio last year.

Ang akala namin first project niya ang Pinoy adaptation Koreanovela na pagsasamahan nila ng bagong Kapamilya actress na si Lovi Poe na “Evil’s Flower.”


Self-titled ang sitcom ng gwapong aktor — My Papa Pi — na naka-schedule mapanood sa Marso.

Sa social platforms ng Kapamilya ay may post silang: “Bawal malungkot ngayong darating na March dahil aarangkada na ang SWEETCOM na talaga namang magpapa-smile at magpapa-kisay sa buong sambayanan!”

“Wala ng patumpik-tumpik pa mga bes! Eto na ang, MY PAPA PI!”

Star Creatives ang nasa likod ng sitcom ng heartthrob actor.


Ang “My Papa Pi” ang pagbabalik-sitcom ng aktor after ng “Home Sweetie Home” noong 2020.

Palaisipan pa sa netizens kung sino ang magiging leading lady ni Papa P.

Isang netizen naman ang nagsabing: “baka pantapat sa sitcom ni JLC na HappyTwoGether sa GMA7 ang My Papa Pi sitcom ni Papa P.”


Tags:

You May Also Like

Most Read