NI BETH GELENA
PINALAGAN ni Sunshine Cruz ang basher na nag-react sa kanyang “outfit of the day” o kung tawagin ay OOTD.
Nag-post kasi ang mestisang aktres ng photo na she looks younger dahil sa kanyang attire.
Caption ni Sunshine sa kanyang post: “Ladies! Wear clothes that make.you happy and feel pretty. That’s all that matters.”
“WOMEN SHOULD.EMPOWER.EACH OTHER INSTEAD OF BEING SO HATEFUL… ENVIOUS OF ONE ANOTHER.”
Binasag naman ng isang netizen ang trip ng aktres nang sabihin nitong: “Aywan katanda na ang attire parang teenager.”
Hindi naman nakatiis si Sunshine at sinagot ang netizen.
“Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart ang attire according to age. Basta happy at confident go lang po! Walang bawal at masama.”
Kuda ng isang netizen: “Juiceko si aiai nga sa edad nya naghuhubad pa wala kayong sinasabi.”
Sey naman ng isa na pabor sa basher: “May point din naman ang commenter minsan dapat lang na iayon ang suot sa edad. Dumaan naman tayo sa pagiging dalaga diba? Ngayong nagkakaedad na may mga piling damit para sa atin.”
Sari-saring opinyon anaman ang ilang commenters: : “Boomer NO, dress the way that makes you happy. Bakit kailangang nakadepende sa opinyon ng iba pati damit na isusuot?”
“Ang sad siguro ng life mo kasi pati pagdadamit nilalagyan mo ng limitation ”
“Yung mga hindi keri at insecure sa sarili nila di wag, di namin kayo pinapakialaman magdamit kayong pang ninang all you want keber, kaming confident sa skin namin at pinahihirapan ang fitness at looks namin, wag nyo kami gawan ng issue kung ano gusto naming suotin di naman namin hinihingi pambili sainyo, idadamay mo pa kami sa pagiging insecure nyo.”
“Wow. In this day and age, ganyan ka pa din mag isip?? That only proves how you dress up for others and not for yourself–for your own comfort and satisfaction. Basta hindi nakahubad, game, regardless of age. That’s why a lot of people are insecure. Like you, they think of what OTHERS may say instead of not minding them as long as you are happy.”
“No point ang commenter. Inggit lang dahil chaka at malaki ang tiyan lol. Naka noots pa nga ang hitad at show off ng branded na bag. Walang masama sa suot ni sunshine. Marami lang talagang boomer at inggitera”
“NO. Young or old. Skinny or chubby, WEAR WHAT YOU WANT. Wear what makes you confident and beautiful.”
“Mas malala pa mga suot ni Sunshine dati sa movies nya as in wala na syang suot kaya hindi big deal ang suot nya.”
“Although I understand where Sunshine is coming from, I still do not like it when she dresses like her adult kids. At her age, I would like her to lean towards a more classic and clean look, like Lucy Torres. YUng sa kanya kasi parang medyo TH dating. I secretly cringe when I see it. Sorry…”
“Walang point ang basher. Pure inggit lang dahil chaka at majubis. Nakita ko yung mismong comment at itsura nya mapapa hahaha ka. ??”