KINUMPIRMA na si Sunshine Cruz na naghilom na ang sugat sa kanyang puso ng paghihiwalay nila ni Cesar Montano.
Ngayon kasi, maayos na maayos na ang relasyon nila ng ex-husband at naging kaibigan na rin niya ang bagong girlfriend ni Cesar na si Kath Angeles.
Katunayan, madalas silang magkakasama lately, lalo na sa family occasions at masasabi nga na perfect example sila ng modern, blended family.
“Time heals all wounds. I think it`s about time and I feel and I see that my kids are really very, very happy every time that they would go out with Kath and with Cesar,” say ni Sunshine sa kanyang interview.
“And may mga milestonessa bata na kailangang i-share ng parehong magulang, If feels good na New Year, birthday ng mga anak ko, graduation ay nandoon kami both.
“And wala na talaga, no more wounds, wala nang kahit ano and it`s just really a blessing na of course, pati yung partner ni Cesar na si Kath, ngayon ay naging bridge rin talaga na maging close ang lahat.
“And the kids are very happy with that, Of course, kapag masaya ang mga anak mo, buhay ko ang mga anak ko, it makes me the happiest,”paliwanag ni Sunshine.
In-acknowledge din ni Shine ang pagiging good influence ni Kath kay Cesar.
“So, I think talaga kapag mabait ang partner lalong babait ang tao. It’s really possible. Lahat naman tayo …kung ang Diyos nga, nagpapatawad, bakit tayo, hindi?” aniya.
“And kung ang sugat, naghihilom, di ba? So, bakit hindi ka rin maghi-heal from everything that has happened in the past?” dagdag pa ng aktres.
Nagpasalamat din si Shine na napabilang siya sa first collaboration project ng ABS-CBN at GMA-7 na “Unbreak my Heart.”
Feeling blessed din si Shine dahil tuluy-tuloy pa rin ang kanyang work, Pagkatapos ng afternoon series niya sa GMA-7 ay may kasunod agad ito.
“Sobrang grateful and blessed kasi dire-diretso talaga ang work. And of course, nakakatuwa kasi blessing for me ito and it’s a dream come true to be able to work with with Jodi (Sta Maria), Papa Chen (Richard Yap). Gabbi (Garcia). Kasi the last time na katrabaho ko sila, picture lang ako, saka flashback scene sa “Be Careful with My Heart” and that was 2012,” nakangiting pagbabalik-tanaw ni Shine.
Noon una raw ay guest appearance lang siya at may ilang eksena lang sa Milan, Italy.
“So, sabi ko, sige na, kahit guest lang. And thank God na I got a good news pag-uwi ko rito from Milan, makakasama na ako sa cast, regular cast. So, another blessing for me, talaga,” pagbabalita ni Shine.