Solenn, Nico ready na for baby #2

NI GETTY OCAMPO

NAKAHANDA nang magka-baby uli si Solenn Heusaff dahil two years old na ang daughter nila ni Nico Bolzico na si Thylane Katana or Tili.


“Yes! Ready na kami for baby number 2. The clock is ticking and i`m not getting any younger. Kaya okey na magkaroon ng isa pang baby.” say ni Solenn, who will turn 37 sa July.

Ayon pa kay Solenn, na tama lang daw yung two or three years ang age gap kung sakaling magkakaroon ng kapatid si Tili. Last May 7, pinabinyagan na nina Solenn at Nico si Tili at pinost ni Nico sa Instagram ang isang short video ng binyag ng kanilang anak. January 1, 2020 ipinanganak si Tili at dahil sa pandemic ay na-delay ang binyag ng kanilang panganay. Ang pinsan naman ni Tili na si Dahlia, na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff ay bininyagan last March. Ngayon pa lang, hinuhulaan na susunod sa yapak nina Anne at Solenn ang kani-kanilang mga anak.


Tags: Solenn Heusaff

You May Also Like