Latest News

SOFIA ANDRES ISA SA ASIA’S MOST STYLISH

NI BETH GELENA

ISA si Sofia Andres na pinangalanan ng Tatler Magazine bilang one of Asia’s most stylish individuals sa Pilipinas.


Nirepost ni Sofia ang Instagram post ng ang Tatler cover page kung saan kasama siya, as one of the four cover ladies of the magazine.

Nilagyan niya ito ng caption: “I’m crying & out of words. Muchas Gracias.

Kasama niya sa cover photos sina entrepreneur Bea Soriano Dee, actress Jasmin Curtis, at Tessie Singson.


Ito ang unang beses na napansin ang pagiging stylish ng Kapamilya actress.

Very grateful siya dahil isa siya sa napili ng prestigious fashion magz.


Last week lang ay lumipad patuingong Switzerland ang aktres kasama ang partner na si Daniel Miranda para sa isang international event.

Na-meet niya doon ang foreign Academy award-winning actor na si George Clooney.


Hindi napigilan ni Sofia ang mag-fangirling nang makita ang gwapong aktor.

Mukhang magpapagawa na rin ng sariling bahay si Sofia.

Sa kanyang Instagram ay isang photo ang in-upload niya na na nakatayo sa bakanteng lote at nilagyan ng caption na “family’s future home.”



Si Sofia at Daniel ay may isa ng anak — si Zoe — na magta-tatlong tson this November.

Wala pang plano magpakasal sina Sofia at Miranda dahil ang pag-aalaga muna kay Zoe ang kanilang priority.

Ipinanganak ni Sofia si Zoe sa Australia.

Tags: Sofia Andres

You May Also Like

Latest News