Latest News

Sobrang na-bash sa social media: SHARON NAG-SORRY NA

NI BETH GELENA

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin matapus-tapos ang isyu hinggil sa awiting “Sana’y Wala Nang Wakas” na kinanta ng tumatakbong senador na si Atty. Sal Panelo sa isang campaign rally.

Hind kasi nagustuhan ni Megastar Sharon Cuneta ang paggamit ni Panelo ng kanyang awitin.


Say ni Sharon, wala raw karapatan ang atorni na awitin ang SWNW nang walang paalam sa kanya.

Sumagot naman ang atorni at sinabing nagpaalam daw siya sa Viva Records dahil sila ang may copyright ng song at pumayag naman daw ang record company kaya kinata niya ito na dinedicate niya sa anak niyang yumaong may mental health condition,

Maraming netizens naman ang hindi nakagusto sa sinabi ni Sharon kaya sandamakmak na mga negatibo at maaanghang na komento ang kanyang nababasa sa comment section ng kanyang post.

Halos dalawang linggo na ang lumipas, pero hindi pa rin siya tinatantanan ng bashers si Shawie.


Kaya naman para matigil na ang isyu, nag-post si Sharon ng kanyang paliwanag ukol sa isyu.

Marahil hindi na maatim na basahin ni Shawie ang mga komento na karamihan ay below-the-belt ang mga banat at idinamay na pati ang kanyang personal na buhay.

Umpisa ng post ni Sharon: ”I thought long and hard about whether I should write this kasi ugbog na bugbog na ang issue at ayoko n asana dagdagan. But I decided to, because in the end, it’s the truth that matters, to me and to those who’d care to know it.”

“I posted about someone singing my song during a campaign sortie that wasn’t one of VP Leni and Kiko’s. I thought since I said ‘I only allow Leni-Kiko (people) to sing it (during campaign season is what I meant),’ people would understand why I reacted in such a way.


“Truth is I felt slighted. Sa akin parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinadami-dami ng kanta bakit naman kanta ko pa ang napili?

“Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa?”

Dagdag pa ni Megastar, nasaktan daw siya pero ang pagkakamali lang daw niya: “Sana ;yun na mismo ang pinost ko. Dinaan ko sa biro at sarcasm, kaya marami ang hindi nakaunawa. Kaya siguro CNN Philippines singled out his performance of my song in an article on CNN Philippines online, suspect it was because they too found it a bit ‘off’. Ngayon lahat ng masasakit na salita ginagamit sa akin ng ibang tao.”

Aniya pa, 30 dekada na raw ang kanyang kanta at marami na ring kumanta ng kanyang song, but never daw niyang ipinagdamot kung sino man daw ang kumanta.

“In fact, I feel honored whenever someone chooses it to sing. Siyempre mas maraming may gusto sa kanta mo, mas maligaya ka.”

Pero dahil panahon daw ng pulitika, iba raw ang dating nu’n kay Sharon nang inawit ng pulitiko na hindi naman daw nila kapartido.

Mahaba pa ang mga litanya ng Megastar, pero bandang huli ay nag-post din siya ng apology.

“I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them. I should have jusr said exactly how I was feeling and in a more respectful manner – no matter what – I am also so sorry, my Shamy/Sharonians. I am disappointed.

“Hindi kasi ako plastic. Bakit nga bang marami ang nagsasabing plastic ako eh kaya nga ako natro-trouble sa social media ay kasi wala akong strategy at emotional ako. Even then. mali ako sa pagkakasulat ko sa post ko.

“Again, I am sorry. And how I wish tapos na ang buwan ng Mayo.”

Sa May 9 na ang botohan ng mga rehistradong Pilipino sa mga kandidatong gusto nilang iboto.

Kaya sabi nga… Vote Wisely!!!

Tags:

You May Also Like

Most Read