NI BETH GELENA
HABANG palapit nang palapit ang eleksiyon hindi na maiwasan ang mga “gamitan” kung sinong celebrities ang magpe-perform sa campaign sorties ng mga kandidato.
UniTeam nina BBM at Davao City mayor Sara Duterte na magaganap sKAMPOa April 10.
Tulad na lang ng mga grupo ng banda na napabalita na magpe-perform umano sa UniTeam rally sa April 10.
Agad nag-react ang Ilan sa mga ito at sinabing huwag daw silang gamitin ng naturang political camp.
Nanguna ang Parokya ni Edgar na mariing itinanggi na magpe-perform sila sa campaign rally ni presidential candidate Bongbong Marcos.
Sinundan ito ng bandang Kamikazee, Agsunta, at mang-aawit na si Zack Tabudlo.
“This is not true,” mabilis na tugon ng Parokya ni Edgar.
Nasa Dubai ang grupo para mag-perdorm sa Expo 2020 Dubai.
Ang drummer ng Kamikazee ay matapang na sinabing mali ang impormasyon na kumakalat.
“Never ako nagsalita against sa mga nagkakampanya for presidency. Kahit na obvious na kung gaano kadumi or hindi qualified ang kandidato.
“Pero kung pangalan na namin ang involved, pangalan namin na mahigit 20 years namin na pinaghirapan ang gagamitin ng walang permiso, ibang usapan na ’to.”
Hirit pa nito, sinungaling umano ang nagpapakalat ng balita at hindi sila nagpapabayad.
“NEVER kami magpa-participate sa kampanya na ito. MGA SINUNGALING. Gusto ko lang tahimik at hindi ma-involve sa mga ganitong bagay, kaso kailangan namin gawan to ng aksyon. We are not for sale,” pahayag naman Allan Burdeos ng Kamikazee.
Itinanggi rin ng bandang Agsunta na sasama sila sa campaign rally.
“Wala po kami dito, nasa bahay lang kami ng araw na yan,” saad ng grupo.
Ayon naman sa member ng bandang IV of Spades na si Blaster Silonga: “Kailanman hindi mangyayari ito, ngayon palang sinusunog ko na ang tulay.”
Dinaan naman sa biro ni Tabudlo ang pagtawag sa anunsyo na “fake news.”
“Awit peyk news na nga lang di pa magandang picture ginamit sakin,” hirit ng singer.
“Fake news” din ang sinabi ng isa sa mga miyembro ng Team Payaman na si Vivien Ilagan.