SHARON TUMAYA NG LOTTO SA AMERIKA

NI BETH GELENA

Naglakas-loob si Sharon Cuneta na pumunta ng isang lotto outlet sa Amerika para personal na makapili ng gusto niyang numerong tatayaan.


Sa US lotto outlet tumaya ang Megastar dahil andun pa siya at hindi pa magaling para bumalik ng Pinas.

May Iconic concert si Megastar with Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Hindi agad siya nakabalik ng Pinas dahil right after ng concert nila ni Regine, bumigay na ang kanyang katawang lupa.


Nagbigay siya ng update sa kanyang Instagram account hinggil sa kanyang kalagayan.

“Was still feeling a bit weak – til now am not feeling 100% yet – but it was really nice being able to take a walk! Weather was nice.


“And I bought a Lotto ticket for the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers,” kuwento ni ni Mega.

Hindi na binanggit ni Shawie kung saang lottery store siya tumaya.


Dalawa raw ang popular lottery draws sa United States — Mega Millions and Powerball.

Komento ng isang netizen, baka raw sa MM tulad ng kanyang alias na Megastar.

Naku, saan man tumaya si Shawie sana manalo siya.



Komento pa ng isa: “Super rich na si Mega gusto pa ring yumaman ng husto.”

Tags: Sharon Cuneta

You May Also Like

Latest News