Mismong si Sharon Cuneta na ang nagklaro na walang issue sa pagitan nila ni Barbie Imperial.
Wala ring katotohanan ang kumakalat na balitang inisnub siya nito.
Sa Instagram post ni Barbie na kasama si Angelica Panganiban with Baby Bean, makikita sa comment section ang pagri -reach out ni Sharon.
Ayon sa Megastar, nakarating sa kanya na nakakatanggap ng pamba-bash ngayon si Barbie for allegedly snubbing her at humingi ito ng dispensa sa young actress.
“Hi. Barbie! A friend of mine just told me today that you have been getting some flak for supposedly snubbing me? I am so, so sorry you have to go through this.”panimulang mensahe ni sharon kay Berbie.
Paglilinaw ni megastar, hindi pa raw sila nagkita ng personal kaya nagtataka siya kung saan galing ang isyung inisnub siya ni Barbie.
“I haven’t seen you in person as far as I can remember! You have done nothing wrong. I hope to meet you someday! Please be strong and remember I have no idea where this issue came from either! God bless you and I hope you don`t mind my posting this on your comments. Take care!” say ni Sharon.
Sumagot naman si Barbie ng : “Thank you Ms Sharon!!!”
Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram story ang pahayag ni Sharon at nag-caption siya ng “KILIG!” with emojis.
Sa IG Story naman ni Sharon, ni-reshare rin niya ang ipinadala niyang message for Barbie at aniya: “I hope it clears us the issue.”